FAQ Pro Tl

FAQ – Mga Madalas Itanong

Dito makikita ang mga sagot sa pinakakaraniwang tanong ng mga propesyonal tulad mo. Inayos namin ang lahat para matulungan kang mahanap agad ang kailangan mong malaman tungkol sa paggamit ng aming platform, mula sa paggawa ng iyong profile hanggang sa pamamahala ng iyong mga proyekto at bayarin.

Paano ako magrerehistro bilang isang propesyonal sa BahAyos?

I-click lang ang “Magrehistro nang libre” sa homepage. Ihanda ang iyong mga detalye, kasama na ang iyong pangalan, numero ng telepono, at impormasyon tungkol sa iyong kumpanya at mga serbisyo. Bago ka magrehistro, ihanda muna ang iyong ID at opisyal na mga detalye ng kumpanya.

Libre ba ang paggawa ng profile?
Oo, ang paggawa ng profile sa BahAyos ay walang bayad.
Walang nakatagong gastos sa pag-set up ng profile ng iyong kumpanya at sa pag-aalok ng iyong mga serbisyo. Magkakaroon ka rin ng libreng exposure sa maraming potensyal na kustomer.
Magbabayad ka lang ng lead fee kapag ikaw o ang isang kustomer ay nagpadala ng mensahe tungkol sa isang proyekto. Ang halaga ng bayad ay depende sa uri ng proyekto.
Paano ko makikita ang mga available na proyekto?
Pumunta sa seksyong “Bagong Proyekto” sa iyong profile. Dito makikita mo ang listahan ng mga bagong proyektong nai-post na malapit sa iyo. Makikita mo rin kung ilang propesyonal na ang nakatingin sa proyekto.
Maaari ka ring maghanap ayon sa lungsod, zip code, at uri ng proyekto.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakakita ako ng proyektong gusto ko?
Kapag may nakita kang proyektong gusto mo, puwede mong kontakin ang taong nag-post nito.
I-click lang ang kanilang pangalan para mapunta sa kanilang profile. Doon, makikita mo ang “message” tab kung saan maaari ka magpadala ng direktang mensahe. Ito ay magandang paraan para ipaalam sa kanila na interesado kang tumulong sa kanilang proyekto o iniaalok ang iyong mga serbisyo.
Paalala lang: May lalabas na maliit na window na magpapakita ng halaga (fee) para sa pagkontak sa may-ari ng proyekto.
Paano ko magagawang mas kaakit-akit ang aking profile?
Siguraduhing kumpleto ang iyong impormasyon. Maglagay ng detalyadong deskripsyon ng iyong mga serbisyo at mag-upload ng mga litrato ng mga proyektong natapos mo na. Bukod pa rito, subukang makakuha ng magagandang review mula sa mga customer. Ang mga 4-star at 5-star na review ay malaki ang tulong para mas mapili ka ng mga potensyal na kustomer.
Paano ko babayaran ang Lead fee?
Makakatanggap ka ng payment request sa iyong telepono at isang email na may payment link.
Ang email ay may kasamang detalyadong invoice, at makikita mo rin ang kumpletong listahan ng iyong mga transaksyon sa tab na “My transactions” sa iyong profile.
Sa ngayon, maaari kang magbayad gamit ang GCash o credit card. Plano naming magdagdag pa ng ibang opsyon sa pagbabayad sa hinaharap.

Still have more questions?

Kung hindi mo makita ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming support team. Narito kami para tulungan kang magtagumpay.